Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa 10,000-bed mega rehabilitation center sa Fort Magsaysay sa darating na Nobyembre 29.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, magsisimulang tumanggap ng pasyente ang pasilidad sa November 15.
Sinabi ni Ubial na magtatayo ang pamahalaan ng isa pang mega treatment at rehabilitation center sa Luzon, isa sa Visayas at isa sa Mindanao.
Magmumula naman sa pondo ng DOH quick response ang P15 million pesos na kakailanganin ng pamahalaan para sa mga newly hired staff ng Nueva Ecija mega rehabilitation center.
By Mariboy Ysibido