Tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno na masisilayan ang ilang bahagi ng kauna – unahang subway system sa bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kalihim, nakatakdang simulan ang konstruksyon ng naturang subway na magkukunekta sa Quezon City at sa lungsod ng Taguig sa 2019 at inaasahang makukumpleto sa 2024.
Siniguro din ni Secretary Diokno na bubuksan at magagamit ng publiko ang sampu hanggang labindalawang istasyon ng Mega Manila Subway sa ilalim ng taon ng pamumuno ni Pangulong Duterte.
Ang Mega Manila Subway ang isa sa major project ng kasalukuyang administrasyon sa ilalim ng ‘Dutertenomics’.
By Arianne Palma
SMW: RPE