Limang Filipino at apat na Chinese ang arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mega-shabu laboratory sa Batangas at Tagaytay City, Cavite.
Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang dalawang Chinese na sina Tian Baoquan at Guo Zixing at kanilang mga Pinoy na kasabwat na sina Eduardo Lorenzo, 59-anyos na electrician; Rosaleo Cesar, 49-anyos, driver; Amancio Gallarde, 40 anyos na pawang nadakip sa Hingoso Farm, Barangay Santo Niño, sa bayan ng Ibaan.
Natimbog din sa hiwalay na operasyon ang isa pang Tsino na si Hong Dy at Filipinong kasabwat na si Nestor Baguio sa Lipa City, Batangas at Xie Jiansheng sa Tagaytay City, Cavite.
May kakayahan ang nadiskubreng laboratoryo na makapag-produce ng 25 kilong shabu na nagkakahalaga ng 125 million pesos kada araw maging ng ecstasy.
—-