Nadismaya si Mega-Star Sharon Cuneta sa mga pambabastos at pambabatikos ng mga trolls sa kaniyang naging facebook post.
Matatandaang nagpost ng isang litrato si mega star kasama ang kaniyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan at Vice President Leni Robredo na parehong tatakbo sa 2022 national election.
Ayon sa singer-actress, alam niyang magkakaroon ng pag-atake sakaniya mula sa mga trolls dahil sa umiiral ngayon sa social media sa ilalim ng adminstrasyong Duterte.
Say pa ng aktres, nakakalungkot na ang panahon ngayon dahil wala nang pinipili ang mga Pilipino para makapanira ng tao.
Dagdag pa ni Sharon, dapat ay mabura na ang ugaling bastos ng mga pinoy at matutong rumespeto sa bawat isa upang respetuhin din tayo ng mundo. — Sa panulat ni Angelica Doctolero