Hindi napigilang magkomento ng ina ni KC Concepcion na si Megastar Sharon Cuneta sa isang throwback sexy photo nito sa social media.
Makikita sa ibinahaging larawan ni KC na ang tangi niya lamang suot ay ang itim na leather jacket at underwear.
Sa comments section ng post ni KC ay nagbigay ng komento ang Megastar kung saan sinabi nito ang mga katagang ‘Taksiyapo ninganacu!’, na isang salitang Kapampangan, na ang ibig sabihin ay ‘Grabe naman ang anak ko’.
Kasunod nito, sinabi ni Sharon na nagbibiro lamang siya.
Tila naman nagbanta ang Megastar sa kanyang kasunod na komento na aniya ay magsusuot siya ng ‘thong’ sa pictorial ngunit walang jacket.
Samantala, maraming netizens naman ang naaliw sa naging komento ni Sharon habang marami ding napa-WOW sa sexy photo ni KC.
Ang larawan ni KC ay kuha noon pang 2012 para sa isang sexy pictorial sa magazine.