Mistulang nagkaayos na nga ang mag-inang sina Megastar Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Ito ay makaraang magpost kagabi ng kanilang selfie si KC kasama ang kapatid na si Miel at ang naka-confine ngayon na si Sharon.
Matatandaang nag-ugat ang hidwaan ng mag-ina nang magpahayag ang Megastar na hindi niya nagustuhan ang sobrang pagpapasexy ng anak na si KC sa isang pictorial.
Ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang mag-ina.
Si Sharon ay naka-confine ngayon sa St. Luke’s Medical Center at humihingi ng dasal para sa agaran niyang paggaling.
By Ralph Obina