Balik trabaho na si Megastar Sharon Cuneta.
Ito ay matapos ang kontrobersyal nitong bakasyon sa Estados Unidos.
Ngayong araw ay nagsimula na ang shoot para sa upcoming film na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”.
Excited naman ang mga kasamahan sa pelikula ni Sharon na nagpost pa ng kanilang mga larawan habang ka-eksena ang Megastar.
Matatandaang iniuugnay ang pagbabakasyon sa abroad ni Sharon sa on the rocks umanong relasyon nito kay Senador Kiko Pangilinan na kanya namang mariing pinabulaanan.
By Ralph Obina