Inilunsad ng Asian Development Bank, gobyerno ng Pilipinas at Indonesia ang Energy Transition Mechanism (ETM) Southeast Asia partnership.
Ang nasabing partnership ay naglalayong mapahinto ang coal-fired power plants sa dalawang Southeast Asian countries.
Kung saan nasa 67% ng elektrisidad ng Indonesia at 57% ng power generation sa Pilipinas ay galing sa uling.
Sinabi ni Philippine Finance Secretary Carlos Dominguez III, na itataguyod nito ang national growth, maraming trabaho at magpapababa sa global emission ang nasabing ETM sa bansa
Ayon sa ADB ang ETM ay unang ilulunsad sa asya at pasipiko na may hangaring mapataas ang malinis na energy transition sa rehiyon.—sa panulat ni Joana Luna