Nangako ang Mekeni Food Corporation na hahanapin ang source ng ASF o African Swine Fever na nakita sa sample ng hotdog at skinless longanisa nito.
Ayon sa kumpanya, handa rin silang makiisa sa gobyerno sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa ASF.
Nagsumite na sila ng pork based product para sa based sampling ng isang independent laboratory at hinihintay na nila ang resulta nito.
Sa ngayon, sinabi ng Mekeni na isinailalim na sa cleansing at na i disinfenct na ang kanilang pork based processing area at pansamantalang itinigil na ang produksiyon ng kanilang processed pork products.