Itinalaga na si Deputy Director for Security and Operations Melvin Ramon Buenafe bilang bagong OIC o Officer-in-Charge ng Bureau of Corrections o BuCor.
Batay sa Department Order No. 468, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Buenafe bilang bagong OIC ng ahensya.
Nakasaad din na tututukan ni Buenafe ang National Bilibid Prision sa Muntinlupa City kasama ang pag aayos sa pang araw araw na sistema ng BuCor.
Matatandaang sinibak ni Pangulong Duterte si dating BuCor Chief Nicanor Faeldon sa pwesto noong Miyerkules, Setyembre 4.
(with report from Bert Mozo)