Nilinaw ng National Telecommunications Commission (NTC) na hindi sakop ng inilabas nilang memorandum sa pagpapalawig ng lisensya ang ABS-CBN.
Tinukoy ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios ang kanilang memorandum noong March 18 na nagpapalawig sa buhay ng mga naisyu nilang lisensya, certificates at permits sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Cabarios, ang otoridad na nagmumula sa Kongreso ang nawala sa ABS-CBN nang magpaso ang kanilang prangkisa kaya’t hindi ito sakop ng NTC.
‘Yung mga radio station permits po –yes, but not the authority. Authority to operate is predicated on a valid congressional franchise, so, kung expired na ‘yung franchise, wala na rin ‘yung authority to operate,” ani Cabarios. —sa panayam ng Ratsada Balita