Aminado ang Malacañang na posibleng nalimutan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos nya ang pagpapalabas ng memorandum na tanggihan ang lahat ng pautang at grants mula sa mga bansang bumoto sa Iceland resolution.
Labingwalong bansa ang bumoto pabor sa resolusyon ng Iceland na imbestigahan ang ‘war on drugs’ ng Duterte administration.
Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mayroong umiiral na memorandum hinggil dito na pirmado para sa pangulo ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sinabi ni Panelo na noong una ay itinanggi nya na merong memorandum subalit naalala nyang nagpagawa sya ng memo kay Medialdea nang muli nya itong tanungin.