Nilagdaan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang memorandum na layong magpatupad ng partial deployment ban sa Kuwait.
Ito’y matapos ang panibagong kaso ng pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa naturang bansa.
Nakasaad sa memorandum ni Bello na inaatasan nito si Bernard Olalia, administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), na pulungin ang governing board upang agad na ipatupad ang naturang deployment ban sa mga OFWs sa Kuwait.
Sakop naman ng deployment ban ang mga bagong OFW pati na ang mga balik-manggagawa.
Samantala, nais din ni Bello na isama ang pagpapatupad ng moratorium sa pagproseso at beripikasyon ng mga individual contracts at job orders para sa mga bagong hire at balik-manggagawa.