Binawi ng Department of Health ang polisiya na magbibigay ng karapatan sa gobyerno na bigyan ng parental consent ang mga batang gustong magpabakuna kahit ayaw ng mga magulang.
Magugunita sa inilabas na memorandum ng DOH noong Enero, nakasaad na kapag ayaw ng magulang na pabakunahan ang anak, maaaring tumayo ang pamahalaan na ‘parens patriae’ o legal protector at bigyan ng consent ang bata na gustong magpabakuna.
Gayunman, sa inilabas na revised memo noong Biyernes, kanselado na ang naturang patakaran sa pagbabakuna sa mga edad 5 hanggang 11.
Inilahad naman ni Presidential Adviser for Covid-19 Response Vince Dizon na mahigpit na kailangan ang pagpayag ng magulang bago mabakunahan ang nasabing age group.
Ito’y makaraang maghain ng reklamo ang isang grupo ng mga magulang sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa naturang probinsyo ng kagawaran.