Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang memorandum na nag-uutos sa mga cabinet official na huwag dumalo sa senate blue ribbon committee hearing kaugnay sa COVID-19 supply procurement.
Sa kanyang pre-recorded talk to the people, iginiit ni Pangulong Duterte na walang sinuman sa Senado na puwedeng manakot o mambastossa mga miyembro ng gabineteng tatangging dumalo sa pagdinig.
Kung ipakukulong anya ang kahit isang miyembro ng gabinete ay tiyak na may kalalagyan ang mga Senador.
Hinamon pa ng Pangulo ang mga Senador lalo Si Senador Richard Gordon, Chairman ng kumite, na i-akyat na lamang sa korte suprema ang issue.—sa panulat ni Drew Nacino