Posibleng maglabas na ng memorandum sa Lunes ang ilang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa panawagan ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP).
Partikular ito sa problema ng CTAP sa mga terminal appointment booking system; passing thru fees sa ICTSI, LGU at travel permit; shipping lines container deposits at truck ban.
Sa panayam ng DWIZ kay Mary Zapata, Presidente ng CTAP, sinabi nito na hanggang Lunes nila hihintayin ang ilalabas na kautusan, na tulong upang maging mabilis ang kanilang operasyon.
So ang pinag-usapan namin don, hanggang lunes they will come up with a memorandum to the people at the ground nila na if in case na i-impound nila at nai-present ang mga ORCR na rehistro hindi dapat singilin at walang bayad na dapat mangyari, so iyan atleast yon ang aming maganda-gandang nakuhang concessions, we will be waiting until Monday po sa sinasabi ng City Hall na gagawin nila…” Mary Zapata, CTAP President, sa panayam ng DWIZ
Ang CTAP ang nagsisilbing frontline defense ng bansa sa pag-aangkat at paglalabas ng mga produkto.
Dahil dito, malaki ang responsibilidad ng grupo lalo na ngayong papalapit ang Pasko.
Nilinaw naman ni Zapata na wala silang balak maglunsad ng mas malaking holiday truck protest, dahil masisira ang operasyon at magdudulot ito ng mas maraming problema.