Nakatakdang maglabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government kaugnay sa pre-election campaign activities.
Ito’y sa gitna ng mga umano’y paglabag sa COVID-19 health protocols sa kaliwa’t kanang political rallies at caravans ng ilang kandidato sa 2022 Polls.
Nagbalala si Interior Spokesman, Undersecretary Jonathan Malaya na mananagot ang mga kandidato at organizer kung magdaraos ng mga aktibidad nang walang permit mula sa local government units.
Ipinunto ni malaya na ang mga kandidato at organizer ang dapat na unang titiyak sa kaligtasan ng kanilang mga supporter at kung nasusunod ang mga COVID-19 health protocols tuwing mayroon silang aktibidad.