Idaraos mamayang alas-3:00 ng hapon ang memorial service para sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center sa Kampo Crame.
Inaasahang dadaluhan ito ng mga opisyal ng Korean Embassy at maging ng mga opisyal mula sa Philippine government.
Bukas sa publiko ang nasabing memorial service.
Samantala, maglalagay din ng condolence book at magsasagawa ng munting memorial service para kay Jee hanggang Pebrero 13.
By Meann Tanbio | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)