Nagsagawa ng isang memorial service kaninang umaga ang Kongreso para sa pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe.
Idinaos ang isang misa na inialay sa namayapang congressman.
Nagkaroon din ng programa pagkatapos ng misa kung saan ay naghandog ng panalangin at mga awitin ang ilan sa mga dumalo.
Kabilang sa mga panauhin ay sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nanguna sa eulogy o pagbibigay parangal kasama sina Attorney John Reyes, Justice Vicente Mendoza, Justice Presbitero Velasco, Representative Michael Rivera, Minority Leader Danilo Suarez at Representative Sharon Garin.
Nagbigay din ng mensahe ang anak ng namayapang congressman na si Atty. Justin Batocabe.
Nagtapos naman sa pagtugtog ng isang awitin ng PNP band ang naturang programa.
Pamilya ni Cong.Rodel Batocabe dumadalo sa Memorial Service na binibigay ng Kongreso sa pinatay na Solon ,kasama nila si Speaker Arroyo @dwiz882 pic.twitter.com/OhXkCAo5rA
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) January 14, 2019