Pursigido ang gobyerno na matapos bago mag-Disyembre ang pagpapatayo ng memorial wall bilang pagpupugay sa “Fallen Medical Frontliners.”
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Secretary Carlito Galvez, matatagpuan ang memorial wall sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Makikita anya sa naturang pader ang kabayanihan ng mga doktor, nurse at iba pang medical personnel.
Una nang inihayag ni Galvez na nakikipag-ugnayan na siya kay Defense Secretary Delfin Lorenzana maging sa iba pang stakeholders upang mapabilis ang pagpapatayo ng monumento. —sa panulat ni Drew Nacino