Napagkasunduan ng Metro Manila Mayors na pagbawalan ang mga menor de edad na lumabas ng bahay at magtungo sa mga mall sa kabila ng pagluluwag ng quarantine restrictions.
Ito ang inihayag ni MMDA General Manager Jojo Garcia hinggil sa usapin kung papayagan ba o hindi ang mga bata na magtungo sa mall ngayong holiday season.
Ayon kay Garcia, lahat ng 17 Alkalde ng kalakhang Maynila ang tumutol sa pagpapalabas ng bahay ng mga batang edad 17 pababa.
Ani Garcia, ang desisyong ito ay batay na rin sa konsultasyong ginawa sa mga eksperto kung saan naihayag ang mga posibleng panganib na dala kung papayagan na ang mga bata ay magtungo na sa mall.
Papayagan lang umano ang mga bata na magtungo sa mall kung halimbawang magpapa-check-up at ang klinikang kanilang regular na pinupuntahan ay nasa loob ng mall.