Dead on the spot ang isang menor de edad matapos ang nangyaring pagsabog sa malalag, Davao Del Sur nitong Huwebes.
Kinilala ang biktima na si alyas ”Jay,” pitong taong gulang, habang sugatan naman ang kapatid nitong si alyas ”Ken,” limang taong gulang na nagpapagaling ngayon sa Davao Del Sur Provincial Hospital.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinaglaruan umano ng magkapatid ang hinihinalang hand grenade at ilang sandali ay nakarinig na lamang ng pagsabog ang kanilang lola.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.