Patay ang siyam na taong gulang na batang babae sa sumiklab na sunog sa bayan ng Asturias, Cebu.
Naganap ang sunog nitong Martes na nagmula sa isang tindahan, at idineklarang under control makalipas ang mahigit isang oras.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection na na-trap ang biktima sa loob ng isang pawnshop kaya’t hindi na nito nagawang makalabas.
Nabatid na aabot sa 270,000 pesos ang halaga ng pinsala ng nangyaring insidente.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang posibleng pinagmulan ng sunog.