Posibleng matagalan pa bago mabigyan ng booster shot ang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang , maging ang mga nasa 12 hanggang 17 taong gulang.
Sinabi ni Dr. Nina Gloriani, vaccine expert panel na base sa kanilang datos mas maganda ang immune response ng mga kabataan kaya maaaring matagalan pa ang pagbibigay nito sa nasabing age group.
Aniya, pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto ang pagbibigya ng booster shot lalo na sa mga bata na mayroong sakit.
Bagama’t ikinokonsidera sa ibang bansa ang pagtuturok ng booster dosesa mga immunocompropised hindi pa rin ito binubuksan sa mga general population ng mga bata.
Dahil maganda aniya ang immunity ng kabataan, inaasahan na mas tatagal ito kumpara sa immunity ng mga nakatatanda.