Iniimbestihan na ng pulisya sa Thailand ang ibinunyag ng isang 14-anyos na dalagita na nabiktima umano siya ng gang rape.
Ayon kay Deputy Governor Eggarat Leesen, noon pang Marso nagsumbong sa mga awtoridad ang biktimang si Koh Raed.
Sinasabing maraming beses na ginahasa ang dalagita sa pagitan ng Mayo at Disyembre ng nakaraang taon.
Isiniwalat naman ni Police Major General Boonthawee Torraksa na hindi bababa sa 40 lalaki ang isinangkot ng biktima sa serye ng panghahalay sa kanya.
Bagama’t may tatlong nakasuhan, pansamantalang nakalalaya ang mga ito matapos makapaglagak ng piyansa.
—-