Umaasa si senador Risa Hontiveros na susundin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang sariling mga salita nito na “kung walang itinatago, bakit matatakot?”.
Kasunod na rin ito nang paggigiit ni Hontiveros na panahon na para harapin ng Pangulong Duterte ang imbestigasyon ng ICC o International Criminal Court hinggil sa anti-drug war campaign ng gobyernong Duterte.
Ayon kay Hontiveros, hindi dapat harangin pa ang mga opisyal ng ICC sa pagtupad ng mandato nitong mag imbestiga at matukoy ang mga utak at arkitekto ng mga malalang krimen tulad ng madugong patayan sa bansa dahil sa drug war.
Inaasahan din ni Hontiveros na aktibong makikipagtulungan ang sambayanan partikular na ang mga opisyal ng bansa para mapanagot ang lahat ng may sala.—mula sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)