Tinatayang 54% ng mga kabataan sa bansa edad 17 ang nagpahayag ng kalungkutan, takot at pangamba ngayong patuloy na nararanasan ang COVID-19 pandemic.
Ito’y batay sa survey ng Council for the Welfare of Children kung saan tinukoy rin ang epekto ng pandemya hindi lamang sa physical health kundi maging sa mental at psychosocial health ng mga bata.
Sa kaparehas na survey lumabas rin na nasa 52.7% ng mga kabataan ang nagpahayag ng pangambang maabala ang kanilang pag-aaral ngayong may pandemya.
41% naman ng mga bata ang nagsabing umiiral ang pisikal at sikolohikal na pamamaraan ng parusa sa kanilang mga tahanan.
Pinakita rin ng survey ang epekto ng pandemya sa mental health ng mga batang may kapansanan kung saan 14% ang apektado.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng National Center for Mental Health ang mga magulang at guardian na pakinggan ang mga bata at hayaan silang maglabas ng kanilang mga saloobin.