Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ilang programa nila ang maaapektuhan ng pagsuspinde sa nakatakdang pagtaas ng kontribusyon sa membership.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Rey Baleña, Senior Manager for Communications ng PhilHealth matapos suspindihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagpapatupad ng contributions hike.
Ayon kay Baleña, kabilang sa mga programang magkakaroon ng adjustment ay ang severe acute malnutrition treatment at outpatient package para sa mental health.
Gayunman, tiniyak ni Balena na ang mga bagong benepisyo na ipatutupad pa rin ngayong taon, ay mayroong maliliit na pagsasaayos.
Maliban sa mga nabanggit na programa, sinabi naman ni Baleña na walang anumang pagbabago sa pagproseso ng mga claim para sa iba pang mga sakit.
Kasama rito ang mga claim para sa mga pasyente ng COVID-19.