Halos 170M views ang nakuha ng mental health campaign ng globe, bilang pakikiisa sa National Mental Health week sa ikalawang linggo ng Oktubre.
Sa gitna na rin ito na inilabas na Mental Health Atlas 2017 ng World Health Organization kung saan nakasaad na ang mental illness ang ikatlo sa pinaka-karaniwang kapansanan sa Pilipinas o humigit kumulang 6M na Pilipino ang dumaranas ng depression at anxiety.
Gamit ang kantang “better days 2.0” ni quest, ikinasa ng Globe ang video challenge nito na paalala sa mga tao na manatiling positibo sa ilalim ng #planthappinessph campaign kung saan nakatanggap ang Globe ng 275 video entries mula sa mga medical frontliners, delivery riders, work-from-home moms, empleyado, negosyante at iba pa mula nang magsimula ang kampanya noong Setyembre 27.
Binigyang-diin ni Yoly Crisanto, Globe chief sustainability officer and SVP for corporate communications na natutuwa sila sa pagdagsa ng mga tugon sa kanilang panawagang kung saan maraming tiktokers na sumayaw, nagpamalas ng kanilang mga koleksyon ng halaman, kumanta, nag-document ng kanilang pagbabakuna at nagpakita ng kanilang mga simpleng kasiyahan tulad ng pagluluto, pag-e-ehersisyo at pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop para i-promote ang mental health at well-being.
Bahagi ng #planthappinessph ng Globe ang pagsisikap na mapangalagaan ang mental health ng customers kung saan magbibigay ang Globe sa mga kumasa sa hamon ng libo-libong libreng binhi at punla tulad ng Langka, Guyabano, Punong Supa at Bignay.
Kabilang din sa mental health program ng Globe ang tayo naman! O tulong, alaga, yakap at oras para sa mga tagapagtaguyod ng edukasyon kung saan nakipag-ugnayan ang Globe sa disaster risk reduction management service ng Department of Education at sa Bureau of Human Resource and Organizational Development Employee Welfare Division upang suportahan ang kapakanan ng mga guro, non-teaching personnel at mga magulang mula sa Globe Filipino teachers program.