Idinagdag na rin sa lesson plans ng mga guro sa Estados Unidos ang pagsasagawa ng Mental health check-in para sa kanilang mga estudyante ngayong nagbalik narin sila sa full face to face classes.
Layon ng hakbang na ito na malaman ang emosyon na nararamdaman ng mga estudyante kasunod ng naranasang health crisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Psychiatrist-in-chief ng Childrens Hospital of Philadelphia at president-elect ng American Academy of Child and Adolescent Psychiatry na si Dr. Tami Benton, labis ang kanyang paghanga sa proactive position o inisyatibong ito ng mga eskwelahan sa Estados Unidos.
Marami na aniya sa mga paaralan doon ang gumagawa ng kani-kanilang paraan upang ma-assess ang social-emotional development status ng mga bata.
Malaking bagay ani Benton ang ginagawang mental health check-in ng mga eskwelahan lalo na’t mahigit dalawang taong naantala ang pasok sa mga paaralan, at nalagay din sa economic stress ang lahat ng pamilya, na tiyak aniyang may malaking epekto sa kaisipan ng mga kabataan sa Amerika.