Pinatitiyak ni Senator Sonny Angara sa pamahalaan ang sapat na medical aid sa mga bakwit ng Marawi City kabilang na ang mental health services.
Ayon kay Angara, mas mahirap makarekober mula sa wasak na dignidad, espirito at pag-iisip ang mga apektado ng isang labanan.
Giit ng senador, higit pa sa pagkain, tubig at tirahan ang kailangan para maibalik ang apektadong mentalidad o pag-iisip ng mga ito.
Batay sa ulat, nasa dalawang libot limang daang (2,500) mga bakwit na ang maagang nagpapakita ng sintomas ng schizophrenia pero problema ang kakulangan sa mga psychiatrist na tumitingin sa kanilang kalagayan.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno