Ikinunsidera ng Inter Agency Task Force ang Mental Health ng mga bata sa pagpayag sa 5 taong gulang pataas na lumabas ng bahay sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified GCQ na walang heightened restrictions.
Sinabi ni trade secretary ramon lopez, matagal nang inaapela ito ng mga magulang dahil naapektuhan na umano ang psychological condition ng mga bata.
Hindi naman aniya inaasahan na malaki ang magiging epekto sa ekonomiya ng naturang hakbang dahil sa outdoor spaces lang naman umano papayagan ang mga batang hindi bababa sa 5 taong gulang.