Itutuloy ng Meralco ang pamumutol ng kuryente sa kabila ng pagpapatupad ng alert level 4 system hanggang sa akinse ng Oktubre.
Siniguro ng Meralco ang mga customer sa NCR na nakatira sa mga lugar na inilagay sa granular lockdown ay hindi muna puputulan ng kuryente.
Samantala, ang disconnection activities sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at Lucena City sa Quezon na nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ mula Oktubre 1 hanggang 15, ay mananatili pa ring suspendido.
Samantala, sinabi ng Meralco na sa mga natitirang lugar ng kanilang franchise, partikular na sa Batangas at Quezon na nasa ilalim ng General Community Quarantine ay patuloy pa rin ang disconnection activities.
Tiniyak naman ng naturang kumpanya na magiging “considerate” sila sa mga hinaing ng kanilang mga konsyumer.