Hindi makatuwiran para sa Manila Electric Company o Meralco ang resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan lumabas na mayorya ng mga Pilipino ang hindi satisfied o kumbinsido sa kasalukuyang singil sa kuryente.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, hindi nila alam ang motibo sa pagpapalabas ng nasabing survey na aniyay tila isang demolition job o paninira laban sa kumpanya.
Iginiit ni Zaldarriaga, kung ibabatay sa datos ng Australian consulting firm na international energy consultants mas bumaba pa ang singil sa kuryente ng Meralco.
Aniya, mas mababa ng halos 18 hanggang 80 porsyento ang electricity rates ngayong 2018 kumpara noong 2012.
Dagdag pa ni Zaldarriaga, pababa aniya ang singil ng Meralco kung ikukumpara sa presyo ng ibang pangunahing serbisyo at bilihin.
Kasabay nito, umapela si Zaldarriaga sa kanilang mga kritiko na iwasang magbigay ng mga mapanlinlang na mga impormasyon.
—-