Posibleng masungkit ng Meralco Bolts ang No. 1 spot sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.
Ito’y sa sandaling manalo kontra Talk and Text Tropang Texters sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, mamayang 7:00 ng gabi.
Kasalukuyang tabla ang Meralco sa Alaska Aces sa kartadang 2-0 matapos magkasunod na panalo ng Bolts kontra NLEX Road Warriors at Mahindra Floodbusters.
Aminado si Meralco Coach Norman Black na inaasahan na nila na magiging dikdikan ang game kontra Talk and Text na magpapasok ng isang veteran NBA na si Lou Amundson bilang kanilang bagong import.
Si Amundson ang pumalit kay Denzel Bowles matapos pakawalan ng TNT ang dating Star import dahil sa “attitude problems”.
Samantala, kasalukuyang nagbabakbakan ang Road Warriors at Mahindra.
By Drew Nacino