Sinuspinde ng Meralco Bolts ng isang laro si Gary David dahil sa isyu ng ‘insubordination’ kasunod ng pagkatalo ng team sa NLEX Road Warriors noong Biyernes.
Sa opisyal na website ng koponan na One Meralco Sports, nakasaad na inutusan ni Coach Norman Black si David na maglaro sa huling apat na minuto ng laro ngunit sinuway ito ni David.
Makaraan ang imbestigasyon, napag-alaman na wala namang iniindang injury ang tinaguriang ‘El Granada’ ng PBA dahilan para patawan ito ng ‘insubordination’ o paglabag ng Meralco management.
Ayon sa pamunuan ng Meralco, hindi katanggap-tanggap ang ipinamalas na ugali ni David at nilabag nito ang kontrata nya sa PBA na nagsasabing ang isang manlalaro ay obligadong maglaro sa lahat ng PBA games sa lahat ng oras.
Dahil sa suspension, hindi makakalaro si David sa laban ng Meralco kontra sa Blackwater sa Biyernes.
By Mark Makalalad
Photo Credit: Tristan Tamayo/INQUIRER.net