Posibleng muling magkaroon ng refund ang mga costumer ng Manila Electric Company (MERALCO).
Ito ay dahil lumalabas na mayroong mahigit P650 million pesos na sobrang nasingil ang MERALCO mula 2012 hanggang 2013.
Ayon sa MERALCO, mula ito sa generation, transmission at iba pang ipinataw na charges.
Aabot sa P0.03 sa kada kilowatt hour na kunsumo ang matatanggap na refund ng mga customer ng MERALCO.
Hindi naman masabi kung kailangan maipatutupad ang refund dahil magkakaroon pa umano ng pagdinig sa naturang usapin.
Samantala, hindi pa natatapos ng MERALCO P30 billion refund ang nauna nang ipinag-utos ng Korte Suprema noong 2003.
Nais pang palawigin ng MERALCO ang naturang refund hanggang 2018 na umaabot na lamang sa P4 billion pesos.
By Rianne Briones