Dapat pagbawalan ng Meralco ang kanilang generation company subsidiaries at affiliates na lumahok sa bidding para sa power supply agreements.
Ayon kina Bayan Muna party-list Chairman Neri Colmenares at Cong. Carlos Zarate, dapat ay libre sa anumang pagdududa ang bidding process para makatiyak ang consumers na makukuha nila ang pinakamurang singil mula sa nagsusuplay ng kuryente.
Sinabi ni Colmenares na ang mga gencos ng Meralco na lalahok sa bidding ay una nang nabunyag na nagkaroon ng negotiated power supply agreement sa Meralco o ‘yung mga hindi na idinadaan sa bidding na ipinahinto ng korte suprema.
Binigyang diin ni Colmenares na lalabas na katawa-tawa ang mangyayaring bidding kung igigiit ng Meralco na makalahok pa rin ang kanilang mga sariling genco subsidiaries.