Humihingi ng Go Signal ang MERALCO mula sa ERC o Energy Regulatory Commission kaugnay sa planong halos Piso kada kilowatt hour na dagdag singil sa kuryente.
Sinabi ni Meralco Chairman Manuel Pangilinan na ang hinihingi nilang rate increase ay resulta ng pag shutdown ng Malampaya gas to power facility.
Ayon kay Pangilinan ipatutupad ang dagdag singil sa tatlong bahagi o tig tatlumpung sentimo kada kilowatt hour sa Marso at Abril at Tatlumput dalawang sentimo naman sa Mayo.
Una nang ipinabatid ng MERALCO na asahan na ang dagdag singil sa kuryente kasunod ng maintenance work sa Malampaya dahil mapipilitan silang gumamit ng mas mahal na fuel.
By : Judith Larino