Maglalabas ng bagong electricity bill ang Meralco na base na sa aktual na meter readings.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, tiniyak ito sa kanila ng Meralco sa harap ng halos 50,000 nang reklamo na natanggap ng Energy Regulatory Commission laban sa napakataas na bill mula sa Meralco.
Sa hearing ng Kongreso, sinabi ni Meralco Vice President Victor Genuino na nakapagsagawa na sila ng actual meter reading sa 99 na porsyento ng kanilang customers.
Patuloy rin anya nilang sasaluhin ang convinience fees sa mga online transactions hanggat nasa community quarantine pa ang kanilang nasasakupang mga lugar.