Asahan na ang dagdag singil sa kuryente sa susunod na buwan.
Ito ayon sa Meralco ay kasunod na rin nang pagtaas ng konsumo dulot ng mainit na panahon.
Ipinabatid ni Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga na ang mas mataas na generation charge para sa buwan ng Abril ay dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng wesm o wholesale electricity spot market.
Sinabi ni Zaldarriaga na ang Luzon peak demand ay tumaas ng mahigit 900 megawatts ngayong buwan dahil sa mainit na panahon.
Dahil dito inihayag ni Zaldarriaga na ang power spot prives sa luzon o ang daily luzon load weighted average price ay umabot ng walong piso kada kilowatt hour sa linggo ng Marso 1 at P9.00 kada kilowatt hour sa linggo ng Marso 15.
Magugunitang nagpatupad ng bawas singil ang Meralco sa nakalipas na dalawang buwan.