Magtataas-singil sa bill ng kuryente ang Meralco ngayong Disyembre.
Nabatid na ika-siyam na sunod na buwan na ng pagtataas ng Meralco ng household power rates.
Sa abisong inilabas ng Meralco, nasa 9.7 pesos per kilowatt-hour ang dagdag-singil sa kuryente mula sa 9.4 pesos per kilowatt-hour noong Nobyembre.
Giit ng meralco, ang mga ibinabayad ng kanilang konsyumer ay ginagamit nila upang makabayad sa power suppliers at gobyerno upang magtuloy-tuloy ang kanilang operasyon.—mula sa panulat ni Joana Luna