Muling magpapatupad ng bawas singil sa kuryente ang Meralco para sa buwan ng Marso.
Sa inilabas na abiso ng Meralco, magbabawas sila ng P0.36 sa kada kilowatt per hour sa March billing.
Ito ay dahil sa mas mababang generation cost at refund order mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Katumbas ang bawas-singil ng P72 sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour at P180 sa mga komokunsumo ng 500 kilowatt per hour.
Mababatid na Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagtapyas sa singil ng kuryente ang Meralco at pinakamababang rate mula noong Agosto 2017. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)