Magbababa ng singil sa kuryente ang Meralco sa buwang ito.
Ipinabatid ng Meralco na P3.95 kada kilowatt hour ang bawas sa singil sa kuryente o ito ay P8 sa kabuuang bill ng mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour.
Dahil dito, nasa P1.35 na kada kilowatt hour ang net rate reduction sa year-to-date adjustment.
Ayon sa Meralco, bumaba ang generation charge sa buwang ito ng P2.15 kada kilowatt hour hanggang P4.2018 dahil sa rin sa pagbaba ng singil ng wholesale electricity spot market.
Kasabay nito, iginiit ng Meralco na hindi ito magpuputol ng suplay ng kuryente sa mga customers na hindi nakabayad sa konsumong 200 kilowatt hour pababa hanggang sa katapusan ng taong ito.
May 30-day grace period naman ang ibinibigay ng Meralco sa mga hindi pa nakabayad ng bill na may konsumong mahigit 200 kilowatt hour ng walang interest, multa at iba pang charges.