Muli na namang magkakaroon ng tapyas-singil sa kuryente ang kumpanyang Meralco ngayong buwan ng Agosto.
Ayon sa Meralco, matatapyasan ng P0.4176 per kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente sa August bill.
Katumbas ito ng P84 na bawas-presyo sa mga kabahayan na karaniwang kumokonsumo ng 200 kWh sa isang buwan.
Ang bawas-singil sa kuryente ay bunsod ng mas mababang generation charge o halaga ng kuryente na binibili ng kumpanya sa spot market.
Samantala, ito na ang ika-apat na sunod na buwan na may tapyas-singil sa kuryente ang Meralco.