Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Meralco ngayong Abril.
Batay sa abiso ng Meralco, asahan ang dagdag na P0.0872 per kilowatt hour dahilan para umabot sa overall rate sa nasabing buwan na P8.4067 per kilowatt hour mula sa dating P8.3195 per kilowatt hour nitong Marso.
Katumbas ito ng P17 kabuuang singil ng isang customer na kumonsumo ng 200 kilowatt hour.
Magugunitang dalawang sunod na buwan nagpatupad ang Meralco ng tapyas-singil sa kuryente.