Inanunsyo ng MERALCO o Manila Electric Company na tataas ang kanilang singil sa kuryente simula ngayong buwan.
Ayon sa MERALCO, 86 sentimos (P0.86) ang ipatutupad nilang umento sa kada kilowatt hour kasabay naman ng pagtatapos ng refund na kanilang ibinigay sa nakalipas na tatlong buwan.
Sinabi ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, ang dagdag-singil ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng suplay ng kuryente dulot ng paghina ng piso kontra dolyar at ang pagmahal ng presyo nito sa spot market.
Dahil dito, asahan na ang 172 pisong dagdag singil ng MERALCO para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatts per hour.
Dalawandaan at limampu’t walong piso naman (P258) ang asahang dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatts per hour; P344 naman para sa 400 kilowatts per hour.
Habang P430 naman ang aasahang umento na ipapataw ng MERALCO para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatts per hour na kuryente.
SMW: RPE