Inanunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na may taas singil sila sa kuryente ngayong buwan.
Batay sa abiso ng MERALCO, nasa P0.325 sentimos ang ipapataw nilang dagdag singil bunsod ng pagmahal ng generation charge.
Idagdag na rin dito ang isasagawang maintenance shutdown ng Malampaya Gas Facility sa Palawan kung saan nakadepende ang maraming planta ng kuryente.
Dahil dito, 65 piso ang magiging dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt per hour habang 162 piso naman ang dagdag para sa mga kumukonsumo ng 500 kilowatt per hour.
Ito na ang ika-8 sunod na nagtaas ng singil ang MERALCO sa kuryente mula nuong buwan ng Abril sa kabila ng umiiral na pandemiya dahil sa COVID-19. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)