Pinayuhan ng Meralco ang publiko kasabay ng inaasahang taas-singil sa kuryente ngayong Abril.
Sa gitna ito ng panahon ng tag-init at paggunita sa Semana Santa, kung saan marami ang umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya.
Sa panayam ng DWIZ, inabisuhan ni Claire Feliciano, Public Relations Head ng Meralco ang publiko, na magtipid sa kuryente lalo na ngayong Semana Santa at tag-init.
Kabilang sa gawaing ito ang pagsigurong nakapatay ang lahat ng linya ng kuryente kung aalis ng bahay, at hindi na paggamit ng elekstrisidad kung hindi naman kinakailangan.