Magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Enero.
Ito’y ayon sa Meralco ay bunsod umano ng pagtaas din ng generation charge.
Dahil dito, tataas ng 27 sentimos ang singil ng Meralco sa kada kilowatthour ng konsumo.
Katumbas ito ng P55 dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour.
P82 naman para mga kumokonsumo ng 300 kwh.
P110 para sa mga kumokonsumo ng 400 kwh.
Habang P137 para naman sa mga kumokonsumo ng 500 kwh.